(Eagle News) — Aarangkada na ang public consultation ng Department of Transportation (DOTr) ukol sa hirit na taas-pasahe sa LRT-1. Sa Hulyo 11, nakatakda ang naturang konsultasyon na dadaluhan ng mga stakeholder. Una nang humirit ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang may concession ng LRT line 1 na magtaas-pasahe bunsod na rin ng malaking ginastos sa ibinuhos na investment at makabayad na rin umano sa mga creditor at investor. Bukod rito, malaki na […]





