BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Paboritong pasukin ngayon ng mga magnanakaw ang mga pampublikong paaralan sa Bislig City, Surigao del Sur. Target nila ang mga computer monitor sa mga paaralan na may computer laboratory room. Umaabot sa 70 computer monitor ang nabawi na ng Bislig City PNP mula sa sunod-sunod nilang operation sa tatlong internet cafe na nag-o-operate sa Bislig City. Naipasara na ito ng Lokal na pamahalaan ng Bislig City at kinasuhan na rin ang mga may-ari […]





