MANILA, Philippines — Bigo ang administrasyong Aquino na tugunan ang hinaing ng mga manggagawang Pilipino sa kabila ng gumaganda umanong ekonomiya ng bansa. Ito ang inihayag ng political analyst na si Professor Ramon Casiple kasabay ng paggunita sa araw ng paggawa noong Mayo 1. Aniya, mas inuuna ng mga kapitalistang employer ang malaking kita kaysa sa kanilang coporate social responsibility sa mga empleyado. Dahil dito, tila binalewala lamang ng pamahalaan ang reklamo ng mga manggagawa […]





