Tag: Polillo Island

Mga pasahero at crew, nailigtas sa lumubog na pampasaherong bangka sa Panukulan, Quezon

PANUKULAN, Quezon (Eagle News) – Nailigtas ang mahigit 20 pasahero matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka na M/B Recto 3 noong Martes, October 10. Pabalik na sana ang bangka sa Barangay Calasumanga, Panukulan, Quezon mula sa pier ng Barangay Dinahican, Infanta, nang mangyari ang insidente. Ayon sa Philippine National Police (PNP)-Panukulan, umalis sa pier ang bangka pasado 2:00 ng hapon at makalipas ang mahigit kalahating oras ng paglalakbay patungo sa Panukulan, Quezon sa Polillo Island napansin […]

Iba’t ibang produkto na gawa sa bao ng niyog lalong pinaunlad ng mga taga-Panukulan, Quezon

PANUKULAN, Quezon (Eagle News) – Ang isa sa malaking pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon ay ang produkto na mula sa niyog. Taon-taon tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ay nagsasagawa ang lalawigan ng selebrasyon patungkol dito na pinangungunahan ng Provincial Government. Kalahok sa nasabing selebrasyon ang lahat ng Bayan sa Quezon upang ipakita, ipakilala at ipagbili ang ipinagmamalaki nilang mga produkto na mula sa niyog at ang mga gawa galing dito. […]