Tag: Police Memo

“Police-Memo” na may bantang pagbobomba ng Abu Sayyaf sa isang mall, walang katotohanan – PNP

DAVAO CITY (Eagle News) — Pinabulaanan ng SM Supermalls Davao at ng Philippine National Police ang lumabas na “Police Memo” sa umano’y bantang pag-atake at pagbomba ng Abu Sayyaf ay walang katotohanan. Nakasaad sa nasabing memorandum na pinirmahan ni Senior Superintendent Vicente Danao, Jr. na binalaan ang SM Malls Security Team ng Abu Sayyaf. Nag-demand umano ang grupo ng 15 milyon  pesos. Kung hindi anila maibibigay ang kanilang hinihingi ay kanilang bobombahin ang naturang mall. […]