Tag: POLANCO

“No meat day,” ipinatupad sa Polanco, Zamboanga del Norte kasabay ng pagsisimula ng Nutrition Month

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Ipinatupad ang no-meat day sa Polanco, Zamboanga del Norte, kasabay ng pormal na pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng Nutrition Month. Walang halong karne ang niluto lalo na sa mga karenderya sa lugar nang pinangunahan ng Rural Health Unit noong Lunes, July 3, ang pagbubukas ng nasabing selebrasyon. Ang nasabing nutrition month 2017 ay may temang “Healthy diet gawing habit for life,” na naglalarawan sa tama at balanseng pagkain. […]

Medical at dental mission, isinagawa sa Polanco, Zamboanga Del Norte

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Umabot sa mahigit 5,000 na tao ang nakinabang sa isinagawang medical at dental mission ng lokal na gobyerno ng Polanco noong Miyerkules, Hunyo 23. Katuwang din sa nasabing aktibidad ang Philippine National Police, rural health units, Department of Social Welfare and Development, at iba pa. Isinagawa ang libreng check-up, bunot ng ngipin, libreng sugar at blood testing, at pamamahagi ng gamot at vitamins sa aktibidad. Elmie Ello – Eagle News […]

Summer youth camp laban sa iligal na droga, isinagawa sa Zamboanga del Norte

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Umabot sa mahigit 700 na kabataan ang nakilahok sa isinagawang Summer Youth Camp 2017 sa Zamboanga del Norte. Ginanap ito sa Polanco Gym, Polanco noong Hunyo 2 at 3 na may temang “Kabataang ayaw sa iligal na droga.” Pinangunahan ito ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, ang Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police at Department of Social Welfare and Development. Ipinahayag ni Atty. Clemente Carollo, Jr. kung paano niya […]

Ligtas na pagbabakasyon program ng PNP, ipinatutupad na

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nakakalat na kasalukuyan sa mga pangunahing lansangan sa Polanco, Zamboanga del Norte ang mga Police Assistance Desk at Check Point. Ito ay inilatag para sa kapakanan ng mga motoristang bumibyahe para mamasyal at magbakasyon. Ang programang ito ay binuo at ipinatutupad ng PNP General Headquarters. May tema itong “PNP SUMVAC o Summer Vacation Ligtas na Bakasyon, Serbisyo ng Kapulisan.” Ang Polanco ay pangunahing dinadaanan patungong Dipolog City, Dapitan City, […]

Anti-rabies vaccination, sinimulan na sa Polanco, Zamboanga del Norte

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Sinimulan na ang isang buwang mahigit na anti-rabies vaccination ng Lokal na Pamahalaan sa Polanco, Zamboanga del Norte. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Polanco Agriculture Office at mga veterinarian ang nasabing aktibidad. Layunin nitong mabakunahan ang lahat ng aso sa naturang bayan para sa seguridad ng mamamayan. Nagsagawa din ng house to house ang nasabing grupo upang masiguro na mabakunahan ang lahat ng aso. Ikinatuwa naman ng mga residente ang […]

350 sako ng palay at 73 bags ng mais, ipinamahagi sa mga magsasaka

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nakinabang ang Farmers Association mula sa 13 Barangay ng Polanco, Zamboanga del Norte sa ipinamahaging binhi ng palay at mais. Nasa 350 sako ng palay at 73 bag ng mais ang naipamahagi para sa mga magsasaka. Ang pamamahagi ng mga binhi ay pinangunahan ni Mayor Evan Hope Olvis sa pakikipagtulungan ng             . Ayon kay Edgar Agayan, Municipal Agriculturist, layunin nito na matulungan ang mga magsasaka na muling makabangon dahil sa […]