MANILA, Philippines (Eagle News) — Bukas ang Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso laban sa giyera kontra iligal na droga. Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, handa silang magsumite ng mga datos kaugnay ng kampanya kung papayagan ng mga matataas na opisyal. Dagdag ni Bulalacao, kokonsultahin din ng PNP ang legal experts ng bansa, gaya ni Solicitor General Jose Calida bago magbigay ng impormasyon sa […]





