Tag: PNP-Davao city

Seguridad ni Incoming President Rodrigo Duterte, hihigpitan na

(Eagle News) — Nakatakdang higpitan ang seguridad kay Incoming President Rodrigo Duterte. Ito ay makaraang muntik nang matumba si Duterte kahapon matapos na dumugin ng mga taong nais na magpakuha ng picture dito. Ayon kay Chief Inspector Milgrace Driz  tagapagsalita ng PNP-Davao city kinakailangang ipatupad ang bagong protocol upang matiyak ang kaligtasan ng Incoming President.. Kabilang dito ang pagpapatupad ng masinsinang “Screening Process” sa mga nais na bumisita kay Duterte. At paglilimita sa bilang ng […]