Pababalikin sa Pilipinas ang nasa 7,000 mga Pinoy na nakakulong sa Sabah, Malaysia dahil sa pagiging undocumented. Isa ito sa mga napagkasunduan matapos ang dalawang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia. Sa ulat ng Bernama.com sa Malaysia, sinabi ni Prime Minister Najib Razak na pumayag si Duterte sa hiling niya na maiproseso ang deportation sa 7,000 Filipino illegal immigrants sa Sabah. Ayon naman kay Pangulong Duterte, binigyan ng Malaysian government ang Pilipinas […]





