Tag: Pilipinas

DOLE magsasagawa ng isang job fair para sa mga OFW na nasa Middle East

MANILA, Philippines (Eagle News) – Magsasagawa ng isang job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga overseas Filipino worker na naghahanap-buhay sa Middle East. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, ito ay upang mahikayat ang mga OFW sa gitnang silangan na umuwi na ng Pilipinas at dito na lamang magtrabaho. Isasagawa ang malakihang job fair sa Qatar na tatagal ng isang lingo. Tinatayang nasa 18 libong trabaho ang inihanda ng DOLE […]

Mga kaanak ng isang Pilipina na brutal na pinaslang sa California, nanawagan

Ni Elmie Ello Eagle News Service RIZAL, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nalaman lamang ng ama ni Blessel Lyn Santiago Ong na patay na ang kaniyang anak nang may natanggap siyang mensahe mula sa kaibigan ng kanilang anak na nakabase sa Estados Unidos. Si Ong na taga Rizal, Zamboanga del Norte ay natagpuang patay kamakailan. Pangunahing suspek ang kaniyang mister na si Albert Ong, na nagpakamatay umano pagkatapos isagawa ang krimen. Ayon kay Mansueto Santiago, […]

Japan, nag-alok ng tulong para sa mga biktima ng “Vinta” at sunog sa Davao

(Eagle News) – Nangako ng tulong ang gobyerno ng Japan para sa mga biktima ng bagyong Vinta at ng sunog sa Davao City. Mismong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang nagsabi nito kasabay ng kanyang pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naging biktima ng bagyo at ng sunog sa NCCC mall noong Sabado, ika-23 ng Disyembre. Kabilang aniya sa ipagkakaloob na tulong ng Japan ang emergency relief goods. Ayon kay Prime Minister Abe, kaagapay ng […]

Libya, muling umapela sa Pilipinas na bawiin na ang ipinatupad na hiring ban

MANILA, Philippines (Eagle News) — Muling umapela ang gobyerno ng Libya sa Pilipinas na bawiin na ang ipinatupad na hiring ban sa mga Pilipino worker. Ayon sa Libya, bumuti na ang sitwasyon ng seguridad sa kanilang bansa noon pang 2014. Sinabi ni Libyan Embassy Charge D’affaires Ahmed Eddeb, naiintindihan niya ang pagkabahala ng gobyerno ng Pilipinas sa seguridad ng mga Filipino workers. Kaya hinihikayat niya ang mga opisyal ng Pilipinas na muling isalang sa evaluation […]

Canadian government naglabas ng travel advisory sa mga bibiyahe sa Pilipinas

(Eagle News) – Naglabas ng travel advisory ang Canada laban sa pagbiyahe sa Pilipinas. Ito ay dahil umano sa mataas na banta ng terorismo, gaya ng nangyari sa Marawi, at kaso ng pagdukot. Sa pamamagitan ng travel advisory, pinayuhan ng gobyerno ng Canada ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang magtungo sa Mindanao kabilang ang mga lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Cotabato, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan at Zamboanga. (Eagle News Service)

Actress Sarah Chang, nagpapasalamat sa muling paggawa ng pelikula sa Pilipinas

Looking forward daw at very thankful si Sarah Chang mula sa China, ang kauna-unahang stunt woman sa local film industry, dahil sa ikalawang pagkakataong  nakabalik siya sa Pilipinas upang gumawa ng isang pelikula. Ilan din aniya sa minahal ni Sarah sa Pilipinas ay ang pagiging hospitable ng mga Pinoy gayundin ang mga pagkaing Pinoy na kanyang natikman sa kanyang nakaraang pagbisita sa Pilipinas.

Ginunita sa iba’t-ibang panig ng bansa ang Ika-119 anibersaryo ng Kalayaan

  Eagle News   Cavite – Pinangunahan nina Senador Panfilo Lacson at Toursim Secretary Wanda Teo ang pagdiriwang ng 119th Independence Day Celebration sa Kawit, Cavite.   Kasama sa mga naging aktibidad sa pagdiriwang ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng mansyon ni Hen. Emilio Aguinaldo kung saan doon din unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas.   Matapos ito ay ang wreath laying activity naman sa puntod ni Hen. Aguinaldo.   Batangas – Ginunita […]

Mega Manila Subway, target matapos sa 2024

(Eagle News) — Target ng gobyerno na matapos sa taong 2024 ang pinaplanong Mega Manila subway. Ayon kay  Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, sa Nobyembre ay inaasahang lalagdaan ng mga opisyal ng Pilipinas at Japan ang kontrata para sa nasabing proyekto. Inaasahang lalagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe. Target din aniya, na simulan sa fourth quarter ng 2020 ang pagtatayo sa Mega Manila Subway pero pipilitin pa […]

China iginagalang ang karapatan ng Pilipinas sa Benham Rise

Eagle News — Muling nilinaw ng China na iginagalang nila ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise na deklaradong bahagi ng continental shelf nito. Batay sa inilabas na pahayag ng Chinese Foreign Ministry, sinabi ng China na hindi nila hinahabol ang maritime rights sa nasabing teritoryo lalo’t malinaw naman na sakop ito ng Pilipinas. Muling iginiit ng China na napadaan lamang ang kanilang survey ship sa Benham Rise at wala silang intensyong pag-aralan at […]

Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo, mas pinalawak

By Weng Dela Fuente Eagle News Service QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Puspusan ang paglingap na ginagawa ng Iglesia Ni Cristo hindi lamang sa mga kababayang Filipino kundi maging sa mga bansa sa Africa at Latin America. Bahagi ito ng hangarin ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo na matulungan ang mga kaanib at hindi pa kaanib sa Iglesia Ni Cristo na maka-ahon sa kahirapan. Sinabi ng kapatid […]

Tatlong tourist destination ng Pilipinas, tampok sa The New York Times Travel Show

(Eagle News) — Tampok ang tatlong pinaka-popular na tourist spots sa bansa sa “The New York Times Travel Show”. Kabilang dito ang Boracay, Palawan at Cebu sa 2016 Reader’s Choice Awards ng Condé Nast’s Traveler. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), maraming panauhin sa travel show ang nag-tanong ukol sa Palawan dahil sa reputasyon nito bilang International island resort at dahil sa Puerto Princesa under-ground river. Ang New York Times Travel Show ay isang […]