(Eagle News) — Hindi na nagawa pang maihatid ng isang bus drayber ang kaniyang mga pasahero matapos itong masawi nang madamay sa karambola sa Maharlika Highway Diversion Road sa Atimonan, Quezon nitong Martes. Ayon sa ulat, si Juan Manuel Vinas Bron III, 28, at drayber ng Philtranco bus, ang isa sa dalawang katao na nasawi sa insidente dakong alas 9 ng gabi. Patay din ang pasaherong si Lorenzano Salundagit Lesano, 52. Labinlima naman ang nasugatan. […]





