ni Aily Millo Dinagsa ng mga naghahanap ng trabaho ang job fair ng Department Of Labor and Employment (DOLE) sa Quezon City. Nasa 130,000 na bakanteng trabaho sa ibang bansa ang inalok ng dalawampu’t apat na lisensyadong recruitment agencies ng Philppine Overseas Employment Administration (POEA). Habang nasa 1,000 naman ang bakanteng trabaho dito sa bansa na inalok ng nasa 30 kumpanya na sumali sa job fair ng DOLE. Ayon sa DOLE, layon ng job fair […]





