(Eagle News) — Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagdiwang ang Philippines-Australia Friendship Day sa New Era University sa Quezon City. Ito ang ikalawang taong selebrasyon ng Philippines-Australia Friendship Day na isinabatas ng pamahalaan sa ilalim ng Proclamation Number 1282 noong Mayo 22, 2016. Nagpasalamat naman sa Eagle Broadcasting Corporation at New Era University si Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely dahil sa pag-host ng Philippines-Australia Friendship Day na idinaos sa NEU University Hall. Masaya ito […]





