Tag: Pasyalan

#Pasyalan: Buktot Beach sa Mansalay, Oriental Mindoro

(Eagle News) — Naghahanap ka ba ng budget-friendly get away ngayong summer? Hanap mo ba ay maputi at pinong buhangin, asul na tubig dagat at rock formation na perfect para sa iyong Instagram post? Halina’t pasyalan ang Buktot Beach sa Mansalay, Oriental Mindoro. Tinawag itong “Buktot” dahil sa hugis ng bundok sa tabi nito na animo’y kuba. Pwede itong akyatin sa loob lamang ng sampung minuto at mula sa itaas ay makikita ang ganda ng […]

Mt. Daraitan patok na #Pasyalan; Tinipak cave at Tinipak river, tara na’t silipin

(Eagle News) — Isa sa mga kilalang bundok na dinarayo ng mga hiking enthusiast ang Mt. Daraitan na matatagpuan sa border ng Quezon at Tanay, Rizal. Ang Daraitan ay galing sa salitang “dara” na ang ibig sabihin ay limestone at ang “aeta” naman ay ang tawag sa mga lokal na nakatira dito. Upang masiguro ang kaligtasan ng mga hiker, may orientation na isasagawa bago umakyat ng bundok at mayroon ding nakatalagang mga tourist guide sa […]

#Pasyalan: Hinagdanan Cave ng Bohol

(Eagle News) — Isa pa sa dinarayo sa lalawigan ng Bohol ay ang Hinagdanan Cave na nasa munisipalidad ng Dauis. Isa itong lugar, kung saan maaaring makita ang ganda ng kuweba at lumangoy sa isang malinis na lagoon. Bago ka makapasok sa lugar, kinakailangang lumusot sa isang makitid na butas at bababa sa hagdan ng solo. Pero dapat mag-ingat dahil madulas at mamasa-masa o may moist ang daanan. Masisiyasahan ka naman sa loob ng kuwerba […]

#Pasyalan: Whale shark watching sa Oslob, Cebu

(Eagle News) — Isa ang bayan ng Oslob sa lalawigan ng Cebu ang dinarayo ngayon ng mga bakasyonista kahit hindi pa summer. Ang dahilan ay ang maganda nitong tanawin at ang inaabangang whale shark watching. Dito, pwede mong makita nang malapitan ang mga butanding at lumangoy kasama ng mga ito. At sa dami ng mga gustong makakita ng butanding, alas-singko pa lamang ng umaga (5:00 AM) ay marami nang pumipila sa beach para magkaroon ng […]

Look: Iba’t-ibang tourist attractions na maaaring bisitahin sa probinsya ng Bohol

(Eagle News) — Sa paglipas ng panahon, lalong nakikilala ang isla ng Bohol dahil sa mga pangunahing tourist attraction nito na dinarayo mga lokal na turista at mga dayuhan. Ngunit bukod sa mga top tourist destinations sa lalawigan ng Bohol, unti-unti na ring umuusbong at nagpapakilala ang mas marami pang magagandang natural scenic spots sa lalawigan. At sa pagbubukas ng pinakabagong Bohol Panglao International Airport, ang kauna-unahang eco-airport ng bansa, ay nabigyan din ng pagkakataon […]