Tag: Parola

Malaking sunog, sumiklab sa Parola Compound, Binondo

METRO MANILA (Eagle News) – Isang malaking sunog ang nangyari sa Brgy. 20, Zone 2 Parola Compound, Binondo, Maynila, noong Martes, Pebrero 7. Ayon sa mga residente mabilis na kumalat ang apoy sa hindi pa makumpirmang dahilan. Ayon sa ilang nasunugang residente, nag-umpisa ang sunog bandang 9:00 ng gabi sa isang basurahan na pinaglalaruan ng mga bata. Bigla anilang lumakas at kumalat ang apoy hanggang umabot na sa mga kabahayan na gawa lamang sa light materials. […]