Tag: Pangasinan

29 drug personalities sa San Fabian, Pangasinan, nakatapos na sa rehabilitation program

SAN FABIAN, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na nakapagtapos sa pagsubok ng mga awtoridad ang 29 drug surrenderees sa San Fabian, Pangasinan. Ayon sa mga awtoridad, ang mga surrenderee ay dumaan sa mahigpit at iba’t-ibang uri ng pagsubok hanggang sa napatunayan ang mga ito na tuluyan na silang nagbagong-buhay “Well, base sa resulta ng ating… yong ginanap na radom drug test dito po sa San Fabian Police Station, so far po ay negative naman ang […]

Pangasinan 4th District at KBP-Pangasinan magkakaloob ng scholarship sa 60 kwalipikadong estudyante

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP)  sa pakikipagtulungan ni 4th District Congressman Christopher de Venecia ang Joint Scholarship Program para sa 60 na kwalipikadong mga estudyante. Ayon kay Mark Espinosa, Chairman ng KBP-Pangasinan Chapter na mayroong 30 slots para sa journalism course at 30 slots para sa non-journalism courses. Ang mga papasok sa slot ng journalism course ay mapagkakalooban ng Php 12,000 financial assistance kada-taon, habang ang […]

Mga reformist sa Tayug, Pangasinan muling isinailalim sa random drug tests

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Muling nagsagawa ng unannounced drug testing sa mga reformist sa Tayug, Pangasinan bilang bahagi ng ng kanilang community-based rehabilitation program. Ang drug testing ay isa sa mga requirement sa ilalim ng rehabilitation program ng mga reformist upang maialis ang kanilang mga pangalan sa watchlist. Mayroon namang nairekomenda ang Philippine National Police-Tayug na 30 reformist sa Pangasinan Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency para sa delisting. Ito ay naghihintay na lang […]

Independence Day job fair, isinagawa sa Urdaneta, Pangasinan

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Mahigit 5,000 trabaho ang inialok sa mga taga-Urdaneta City at sa mga karatig bayan nito sa isinagawang Independence Day Mega Job Fair ngayong araw (June 12). Ang aktibidad na ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay may kaugnayan sa selebrasyon ng kalayaan ng bansa na may temang “Pagbabagong Sama-samang Balikatin.” Ayon kay Fresnaida A. Gundan, Head-Eastern Pangasinan Field Office ng DOLE-Region 1, may 20 overseas at 50 local recruitment […]

Pangasinan, may mataas na kaso ng acute gastroenteritis

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) — Pinag-iingat ng Provincial Health Office ang publiko matapos maitala ang mataas na kaso ng acute gastroenteritis sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa PHO, umabot na sa mahigit 5,000 ang naitalang kaso ng acute gastroenteritis doon. Ayon din sa PHO ay nasa 19 na ang nasawi dahil sa nasabing sakit. Karamihan sa mga biktima ay edad 5 taon pababa. Nanawagan ang PHO sa publiko na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. […]

Dagupan City, nagdiriwang ng Platinum Year

DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Inilunsad noong Huwebes, Mayo 11, ang iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang sa ika-70 taon na Agew na Dagupan o Platinum Year of Dagupan City. Ang paglulunsad ng Agew na Dagupan ay kinabibilangan ng pag-alala sa pinagmulan ng Dagupan o ang Dagupan noon at ngayon o dagupan karuman, natan tan nabwas. Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sa kasaysayan ng Dagupan muling aalalahanin ang mga pinagdaanang pagsubok ng siyudad, mula sa isang […]

Buntis Congress 2017, isinagawa sa Rosales, Pangasinan

ROSALES, Pangasinan (Eagle News) – Isinagawa sa Rosales, Pangasinan ang Buntis Congress 2017 kamakailan. Nilahukan ito ng 300 na mga kababaihang buntis. May tema itong “Isiguro ang kaligtasan ng malusog na pagbubuntis.” Sa nasabing programa ay nagkaroon ng search for healthy preggy mom, pre-natal check up, usapang macho, mass blood donation, at oral health lectures na kung saan binigyan din ng vitamin c ang mga mommies. Ayon kay Dra. Elizabeth Alimorong, ang Buntis Congress ay programa ng Department […]

Longest line of tables, opisyal nang nasungkit ng Sto.Tomas, Pangasinan

STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) – “Congratulations, you are Officially Amazing!”  Ito ang laman ng sulat na natanggap ng Munisipalidad ng Sto.Tomas, Pangasinan mula sa Guinness World Records matapos ang matagumpay na pagtatala nito ng Longest Line of Tables. Nagtala ang nasabing bayan ng 6,000 na may .45 metrong haba ng pinagdugtong-dugtong na mesa noong Abril 2 taong kasalukuyan. Nasa 2,470 mesa ang nagamit upang mabuo ang ganoon kahabang linya. Ang titulo ay dating hawak […]

Pagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, ipinatupad sa Umingan, Pangasinan

UMINGAN, Pangasinan (Eagle News) – “Anti-smoking campaign in public places.” Ito ang Municipal Ordinance No. 24  of 2008 sa Umingan, Pangasinan. Ipinatupad na ito ng nasabing bayan simula pa noong Hunyo 2016. Para maipaalam sa mga mamamayan ay nagsagawa sila ng parade, tree planting, poster at slogan making. Sa simula ay umani ito ng sari-saring negatibong reaksiyon mula sa mamamayan ng Umingan. Ngunit sa tulong at pagbibigay impormasyon ng RHU ng masamang epekto at dulot ng paninigarilyo kalaunan ay naging […]

Salt farms sa Pangasinan, dinarayo ng mga turista

(Eagle News) — Dinarayo ngayon sa Dasol, Pangasinan ang mga salt farm o pagawaan ng asin. Ilan sa mga motorista ang namangha sa ganda nito na matatagpuan lamang sa kahabaan ng kalsada habang ang ilang mga local government official mula sa iba’t- ibang probinsya ay dumarayo sa lugar para naman mag-aral ng pag-gawa ng asin. Ang Dasol ay mayroong sampung libong salt beds. Halos labin-walong (18) bayan nito na gumagawa ng asin ay aabot sa […]

Lingap Pamamahayag matagumpay na naisagawa sa iba’t-ibang dako sa silangang bahagi ng Pangasinan

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t ibang dako sa silangang bahagi ng Pangasinan noong Martes ng gabi, April 18. Ito ay pinangunahan ng mga choir member ng INC. Napuno ng panauhin ang mga gusaling sambahan na pinagsagawaan ng nasabing aktibidad. Unang isinagawa ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos at pagkatapos ay namahagi ng  goody bags para sa mga dumalong panauhin. Ang goody bags ay naglalaman ng bigas, […]

Libreng food cart ipinamahagi ng DSWD sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Tinatayang nasa 80 katao ang nakinabang sa ipinamahaging 40 libreng food cart ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang pamamahagi ay isinagawa noong Miyerkules ng umaga, March 22 sa harapan ng City Hall ng Urdaneta City, Pangasinan. Ang mga nabigyan ng nasabing food cart ay nagmula sa 34 barangay ng nasabing lungsod na miyembro ng 4P’s. Bawat isang food cart ay nagkakahalaga ng 30,000 pesos kasama na ang […]