PASAY CITY, Metro Manila (Eagle News) – Masiglang nakiisa ang pami-pamilyang miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isinagawang Family Fun Day noong Sabado, April 1 Liwasang Ulalim, CCP Complex, Pasay City. Nakiisa at nagkaroon din ng partisipasyon maging ang mga dumalo na hindi INC members. Bandang 4:00 ng madaling araw ay halos mapuno na ng participants ang lugar na pinagdausan kung saan ay makikita ang isang malaking lobo na siyang starting point. Ang Family Fun Day ay kinapalooban […]





