Mar Gabriel Eagle News Service Tinutugis ngayon ng Batangas City Police ang dalawang suspek na umano’y namimili ng boto para sa isang kandidato. Sa report ng pulisya, bandang alas nuebe trenta ng umaga ng Lunes, ika-14 ng Mayo, nang ireklamo ng isang botante sa kanilang istasyon ang mga suspek na kinilalang sina Janzel Serrano Almarez at Flordeliza Plata Antenor. Ayon sa biktima, nag-aalok ng P400 ang dalawang suspek sa mga botante sa Batangas National High […]





