Tag: pagbaha

4 patay, daan-daang residente apektado ng pagbaha sa Sarangani province

SARANGANI PROVINCE (Eagle News) – Umabot na sa apat ang naitalang patay habang daan-daang pamilya naman ang apektado sa pagbaha sa Sarangani Province simula nang bumuhos ang malakas na ulan nitong Sabado, ika-13 ng Mayo. Ayon kay Rene Punzalan ng Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa casualties ay ang nasawing mag-ina na sina Reina Suana at anak nitong si James sa Barangay Ampon, Malungon, Sarangani matapos malunod sa Lumabat river. Sa mga nakaraang […]

Paghahanda para maiwasan ang baha, sinimulan na ng MMDA

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang taunang paghahanda sa posibleng pagbaha sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. Nilinis nila ang mga baradong kanal, creek at estero na isa sa mga dahilan ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan. Ayon sa MMDA, ilan sa mga flood-prone area sa bahagi ng Quezon City ay ang Brgy. Doña Imelda, Brgy. Damayang Lagi, Brgy. Tatalon, at Brgy. Talayan. Nilinis rin nila […]

Pagbaha kasalukuyang nararanasan sa bayan ng Sigma, Capiz

SIGMA, Capiz (Eagle News) – Bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan ay umabot sa 40 na kabahayan ang naapektuhan ng pagbaha. Ito ay batay sa naitala ng Capiz Provincial Risk Reduction and Management Office. Ang mga apektadong kabahayan na naitala ay sa Brgy. Cogon, Sigma, Capiz. Wala namang naiulat na inilikas na mga pamilya. Subalit may mga bahagi ng daan sa apat na barangay ng nabanggit na bayan na hindi madaanan dahil sa mga […]