Tag: Pagadian City

Miyembro ng CAFGU arestado dahil sa paglabag sa Comelec gun ban sa Pagadian City

Ni Ferdinand Libor Eagle News Correspondent PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Arestado ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos lumabag sa umiiral na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sanggunian Kabataan Election 2018 sa Purok Riverside, Brgy. Sta. Lucia, Pagadian City, Zamboanga del Sur. Kinilala ang suspek na si Shielvert Onido, 23 taong gulang, may-asawa at residente ng San Pablo, Zamboanga Del […]

Hinihinalang vintage naval ordnance nakumpiska ng mga otoridad sa isang abandonadong bahay sa Pagadian

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Isang hinihinalang vintage naval ordnance ang nakumpiska ng Explosive Ordnance Division (EOD) sa isang abandonadong bahay sa Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Martes, Pebrero 20. Ayon kay PSupt. Benito Recopuerto, hepe ng PNP-Pagadian, ang nasabing bomba na narekober mula sa bahay sa  Brgy. Tiguma, bandang 2:30 ng hapon,  ay ginamit ng Naval Forces noong ikalawang digmaang pandaigdig. Aniya, kaya nitong wasakin ang isang malaking barko at […]

Trabahador, patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pagadian City

Ni Ferdinand C. Libor Jr. Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang isang laborer matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pagadian noong Huwebes, ika-18 ng Enero. Kinilala ang biktimang si Jovanie Ajo Babawi, 29, residente sa Purok Hiniusa, Brgy. Lumbia. Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, binabaybay ng biktima gamit ang kaniyang motorsiklo ang Dablo Street, sa Purok Bagong Silang, Brgy. Sta. Lucia, nang tumapat ang isa pang […]

TESDA regional director, natagpuang patay sa kaniyang kwarto sa Pagadian

Ni Ferdinand Libor Eagle News Service PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle news) – Natagpuang patay ang regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Western Mindanao sa loob ng kaniyang inuupahang kwarto sa isang paaralan sa Pagadian City nitong Miyerkules ng umaga. Kinilala ng otoridad ang namatay na si Engr. Edgar Sales, 59 taong gulang, residente sa Purok 4, Brgy. Carangan, Ozamis City. Ayon sa driver nitong si Victor Barredo, natagpuan […]

Military truck na nag-rescue ng mga sundalong sugatan, nahulog sa bangin; 2 patay, 9 na katao sugatan

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang dalawa katao habang siyam naman ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang military truck sa Sitio Dumalian, Barangay Lourdes sa Pagadian City. Ayon sa report ng 53rd Infantry Battalion, ang nasabing sasakyan ay nag-rescue sa dalawang sugatan na mga sundalo na nakipagbakbakan sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Lison Valley sa nasabing lungsod. Bandang 10:00 ng umaga nitong Linggo, Disyembre 10  […]

Suspek sa pagpatay sa DepEd official sa Pagadian City, naaresto na

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpatay sa incoming Provincial Schools Division Superintendent (SDS) ng Department of Education-Zamboanga del Sur na si Dr. Marcom Borongan. Kinilala ang suspek na si Leoncio Toledo, taga-Purok Lower Lumboy, Pagadian City. Naaresto si Toledo sa Barangay Poblacion Dimataling, Zamboanga del Sur, ng Special Investigation Task Group (SITG) Borongan matapos ituro ito ng isang witness. Ngunit giit ng suspek […]

Iba’t ibang training at seminar kontra natural disasters, isasagawa sa Pagadian City

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) -Magsasagawa ng mga trainings at seminar sa isang buwan ang pamahalaan ng Pagadian upang maituro sa mga residente ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng lindol, landslide, tsunami, pagbaha o anomang mga sakuna. Ito ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng siyudad ng National Disaster Resilience Month 2017 na may temang “Kamalayan sa kahandaan, katumbas ay kaligtasan.” Bahagi rin ng kanilang paggunita ay ang pagsasagawa ng motorcade sa buong […]

Simulation exercise kontra terrorist attacks, isinagawa sa Pagadian City

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Isang simulation exercise ang isinagawa sa Pagadian City kaugnay sa posibilidad ng pag-atake ng terorista. Limang magkasunod na tunog ng sirena ang nagkunwang hudyat na mayroong mga teroristang umatake sa iba’t ibang bahagi ng siyudad. Pagkatapos ng ilang minuto, agad dumating ang mga first responder mula sa Pagadian City Police Station. Sumunod naman ang Zamboanga Del Sur Provincial Office Unit, at tropa ng militar para i-neutralize ang […]

Mga hinihinalang supporter ng Maute at Abu Sayyaf na nahuli sa Pagadian, iniimbestigahan na

  PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Iniimbestigahan ngayon ang dalawang babae na hinihinalang supporter ng Maute at dalawang lalaki naman na hinihinalang supporter ng Abu Sayyaf Group matapos maaktuhan ng pulisya na bumibili  ng iba’t ibang klaseng gamot sa isang pharmacy sa Pagadian City kamakailan. Kinilala ang mga suspek na sina Reem Sacampong Arimao, 22 taong gulang, clinical instructor sa Mindanao Institute of Health Care Professional na matatagpuan sa Barrio Green, Marawi City, […]

13 hinihinalang miyembro ng Maute, dinala sa CDO matapos ma-confine sa Pagadian

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nasa 13 katao ang sumailalim sa profiling at paraffin test matapos mai-report sa mga awtoridad na may naka-confine sa isang pagamutan sa Pagadian City na galing sa Marawi City. Ayon kay PSupt. Kiram Jimlani, Hepe ng PNP-Pagadian, agad niyang pinaimbestigatihan ng matanggap ang report na may naka-confine sa Zamboanga del Sur Medical Center na galing sa Marawi City. Isa sa 13 katao ay kritikal na kinilalang si Junaid Ampaso Dimarogong. Dagdag […]