(Eagle News) —Sinimulan na ngayong araw, Mayo 21, ang Oplan Balik Eskwela (OBE) ng Department of Education (DepEd) upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang aktibidad na ito ay tatagal hanggang Hunyo 8, 2018. Ang OBE ay taunang inisyatiba ng DepEd upang hikayatin ang mga ahensya, organisasyon, at iba pang stakeholders sa paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase […]





