MANILA, Philippines (Eagle News) — Ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na mayroong plano ang ilang Senador na bigyan ng legislative immunity ang dalawang dating Immigration Deputy Commissioners na dawit sa bribery scandal para siya ang idiin sa kontrobersya. Tinukoy ni Aguirre sina Senador Antonio Trillanes IV, Francis “Kiko” Pangilinan at Senadora Leila De Lima na nagbabalak umanong isulong ang immunity sa mga sinibak na Bureau of Immigration (BI) officials na sina Al Argosino […]





