MANILA, Philippines (Eagle News) — Dumating na sa bansa ang labi ni Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Workers na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait. Pasado alas-10:00 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang eroplano ng Gulf Air Flight GF-154 lulan ang labi ni Demafelis. Agad namang ililipad ang bangkay patungo sa Sara, Iloilo kung saan naghihintay ang pamilya ni Joanna. Sinabi naman ni Presidential Spokesman […]





