MANILA, Philippines (Eagle News) — Inihahanda na ng justice department ang mga dokumento at testigo na magpapatunay na teroristang grupo ang Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA) gaya ng inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong na natokahan sa paghahanda ng petisyon laban sa CPP-NPA, nakatutok sila sa mga pagkilos na ginawa ng makakaliwang grupo mula nang magsimula ang Duterte administration. Nasa labinlimang insidente aniya ng pananalakay […]





