MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinamamadali na ng Office of the Secretary to the Cabinet ang pag-audit sa operations ng National Food Authority (NFA). Kasunod na rin ito ng ulat na naubos na ang suplay ng NFA rice para sa Metro Manila. Sinabi ni Assistant Secretary Jonas George Soriano, tagapagsalita ng Office of the Secretary to the Cabinet, napagpasyahan noong Marso 19 sa NFA Council Meeting na magsagawa ng audit sa naging operasyon ng NFA. […]





