Ni Nova Villafañe Eagle News Service BUENAVISTA, Agusan del Norte (Eagle News) – Patay ang guwardiya ng isang kilalang bangko habang sugatan naman ang kasama nitong manager sa nangyaring robbery at pag-ambush sa kanilang sinasakyang L300 ng tatlong armadong lalaki. Nangyari ang pananambang sa Brgy. Agong-ong, Buenavista, Agusan del Norte nitong Lunes, Pebrero 19. Kinilala ang guwardya na si Nelson Lumanao na idineklarang dead-on-the-spot matapos magtamo ng multiple gunshot wounds habang sugatan naman ang manager […]





