Tag: Negros Oriental

11-oras na brownout, mararanasan sa Negros Oriental sa Sabado, September 2 – NGCP

(Eagle News) — Makakaranas ng 11-hour power outage ang ilang parte ng Negros Oriental sa Sabado, Setyembre a dos, dahil sa gagawing maintenance activities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Sa inilabas na advisory ng NGCP, magsisimula ang power outage ng ala-siete ng umaga (7:00 AM) na tatagal hanggang ala-sais ng hapon (6:00 PM). Ilan sa maaapektuhan ay ang NORECO I sa Bais, Bindoy at Guihulngan substations, habang sa NORECO II ay ang […]

DepEd official sa Negros Oriental, patay sa pamamaril

NEGROS ORIENTAL (Eagle News) — Patay sa pamamaril ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) noong Miyerkules ng tanghali, Agosto 30, sa Guihulngan South Central School, Guihulngan, Negros Oriental. Ang biktima ay kinilalang si Oscar Solania Asildo Jr., administrative assistant II ng DepEd-Guihulngan, at nakatira sa Sitio Bateria, Barangay Poblacion. Ayon sa pahayag ni Chief Superintendent Bonifacio Tecson ng Philippine National Police (PNP) – Guihulngan, habang nakasakay sa kanyang motorsiklo si Asildo Jr., ay […]

PHIVOLCS, nakamonitor sa Mt. Kanlaon matapos magbuga ng abo

Patuloy ang pagmomonitor ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Kanlaon Volcano na matatagpuan sa Canlaon City, Negros Oriental matapos itong magbuga ng abo kagabi, Nobyembre 23. Ayon sa PHIVOLCS nagsimulang magkaroon ng minor ash eruption ang bulkan bandang mag aalas-diyes ng gabi at sunod-sunod pa itong nagbuga na tumagal ng halos sampung minuto dahilan rin upang itaas ng PHIVOLCS sa alert level 1 ang nasabing bulkan. (Eagle News Service Described by MRFB, Video […]

Silipin ang Kagandahan ng Canla-on City, Negros Oriental

Ang Canla-on ay isang fourth class city sa lalawigan ng Negros Oriental. Ayon sa census, ito ay may populasyong 50,627 katao. Matatagpuan ito sa 168 kilometro (104 mi) hilaga mula sa panlalawigang kabisera ng Dumaguete City. Ang Canla-on ang mayroong pinakamataas na bundok sa lalawigan kung saan ay matatagpuan dito ang may 2,465 metro (8087 ft) sa itaas ng dagat sa kaniyang pinakamataas na point. Ang nasabing lalawigan ay nahahati sa labing dalawang (12) barangays. […]