MANILA, Philippines (Eagle News) — Isinusulong ni Bagong Henerasyon Party-List Representative Bernadette Herrera-Dy ang pagkakaroon ng nationwide curfew para sa mga kabataan. Batay sa nasabing panukala, hindi na maaaring lumabas pa ang mga kabataang edad 18 pababa kapag alas-10:00 na ng gabi hanggang ala-5:00 ng madaling araw. Paliwanag ni Dy, nararapat ng magpatupad ng nationwide curfew dahil talamak na ang mga mapang-abusong tao saan mang panig ng bansa. Bukod naman sa community service na parusa […]





