MAYNILA, Philippines (Eagle News) – Ginawaran ng pagkilala ng Philippine Red Cross ang Eagle Broadcasting Corporation dahil sa papel nito sa pagpapakalat ng adbokasiya ng nasabing organisasyon. Ang pagkilala ay iginawad sa 32nd Biennial National Convention ng Red Cross sa Maynila kamakailan. May temang “The lifeline of the people” ang isinagawang aktibidad. Ginawaran din ng pagkilala ang iba pang media na nasa online, radio broadcast at TV broadcast, at ang mga outstanding chapter ng Red Cross. […]





