(Eagle News) — Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko simula ngayong araw, Enero 22 sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City. Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado na ang North Avenue palabas ng Quezon City circle simula alas sais ng umaga (6:00 AM) ngayong Martes dahil sa nagpapatuloy sa MRT-7 construction project. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, layon din ng closure na masolusyunan ang choke-point sa […]





