Ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiramay sa pagpanaw ni Senadora Miriam Defensor Santiago. Sa statement, sinabi ng pangulo na ikinalulungkot niya ang pagpanaw ni Santiago na nag-iwan nang hindi matatawarang karera sa larangan ng serbisyo publiko. Higit aniyang maaalala si Santiago bilang graftbuster na nag-a-almusal ng mga banta sa kaniyang buhay tuwing umaga kaya’t kinikilala rin bilang ‘Iron Lady’ ng Asya. Sinabi ni Pangulong Duterte na bilang constitutionalist, kilala si Senadora Santiago bilang tagapagtaguyod […]
Tag: Miriam Santiago
Kick-off campaign ng Santiago-Marcos tandem, isinagawa sa Batac, Ilocos Norte
Pinili nina Senadora Miriam Defensor-Santiago at Senador Bong-Bong Marcos na gawin ang kanilang Kick-off campaign sa Batac, Ilocos Norte. Ipinangako ng Senadora na uusigin ang lahat ng may kinalaman sa korapsyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP), at hindi rin siya aatras sa kanyang pag-takbo bilang Presidente. Sinabi naman ni Sen. Bong-bong Marcos na ang kanyang adbokasiya ay palakasin, pagka-isahin at tulungang mailabas ang galing ng mga Pilipino.





