Ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiramay sa pagpanaw ni Senadora Miriam Defensor Santiago. Sa statement, sinabi ng pangulo na ikinalulungkot niya ang pagpanaw ni Santiago na nag-iwan nang hindi matatawarang karera sa larangan ng serbisyo publiko. Higit aniyang maaalala si Santiago bilang graftbuster na nag-a-almusal ng mga banta sa kaniyang buhay tuwing umaga kaya’t kinikilala rin bilang ‘Iron Lady’ ng Asya. Sinabi ni Pangulong Duterte na bilang constitutionalist, kilala si Senadora Santiago bilang tagapagtaguyod […]





