VIGAN CITY, Ilocos Sur (Eagle News) – Tinatayang aabot sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Ilocos Sur sanhi ng nagdaang bagyong Ompong. Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Ilocos Sur Officer Michael Chan, pagdating naman sa imprastraktura ay tinatayang aabot naman sa 70 milyong piso ang napinsala ng bagyo. “Sana makita rin po yong Ilocos Sur, although ang mga Ilocanos po ay mabilis mag-recover pero po […]





