MANILA, Philippines (Eagle News) — Ibinabala ng Chamber of Mines of the Philippines (COMP) na posibleng bumagsak ng hanggang limampung porsyento (50%) ang halaga ng produksyon ng metallic mineral ngayong taon. Ayon kay Ronald Recidoro, Vice President for Legal and Policy ng COMP, ito’y bunsod ng pagsasara at pagkaka-suspinde ng operasyon ng tinatayang dalawampu’t walong (28) mining companies sa bansa. Giit ni Recidoro, itinuturing ang nickel bilang “best performer” kaya’t maaaring maapektuhan ang metallic minerals […]





