Tatanggapin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang Congressional Medal of Distinction sa isasagawang courtesy call sa House of Representatives ngayong araw. Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte, huli nilang ibinigay ang parehong parangal kay Rep. Manny Pacquiao na namayagpag sa larangan ng boxing. Samantala, patuloy namang isinusulong ng mga mambabatas na ilibre sa Wurtzbach sa pagbabayad ng buwis para sa kanyang mga napanalunan. Sa kabila ito ng naging pahayag ng beauty queen na handa […]





