MARAWI CITY, Lanao del Sur (Eagle News) – Hati ang reaksyon ng mga residente sa Marawi City sa posibilidad na i-extend ang martial law sa Mindanao hanggang sa Disyembre. Ilang residente ang pabor na palawigin pa ito hanggang sa pagtatapos ng taong 2017, sapagkat nakikita nila ito bilang paraan upang maprotektahan ang mga sibilyan sa teroristang Maute Group. Gayunman, ang ibang residente ay hindi pabor dahil naiisip nila na kung palalawigin pa ang martial law […]





