METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Tiwala ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na napapanahon na para ipatupad ang modernisasyon sa sektor ng mass transit sa Pilipinas. Kasabay nito, sinabi ni LTOP President Orlando Marquez na hindi sila lalahok sa ikinasang dalawang araw na tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa susunod na linggo. Ayon kay Marquez, hindi nauunawaang mabuti ni PISTON President George San […]





