(Eagle News) — Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga nagbabalak magtrabaho sa China laban sa bagong modus na tinatawag na marriage-for-job. Kasunod ito ng ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa limang Filipina na stranded sa Tongxu, China at humingi ng tulong sa pamahalaan matapos lokohin at pangakuan ng trabaho kapalit ng kasal sa mga Chinese national. Ayon sa POEA, mula Urbiztondo, Pangasinan ang nasabing mga Filipina na ni-recruit […]





