Ni Nora Dominguez Eagle News Service MANGALDAN, Pangasinan (Eagle News) – Patay ang isang lalaki matapos na mang-agaw ng baril sa isang police escort sa Mangaldan, Pangasinan nitong Miyerkules, Oktubre 3. Ayon kay Supt. Jay Benitez Baybayan, hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan, ang nasawi ay si Klyd Doria Conde na may kinakaharap na kasong paglabag sa pag-iingat ng deadly weapon, illegal possession of ammunition at illegal drugs. Ayon kay Provincial Director Wilson Joseph […]





