MULANAY, Quezon (Eagle News) – Pinangunahan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo partikular na ang mga kaanib ng kapisanang SCAN International ang isinagawang tree planting activity. Isinagawa ito sa Sitio Malibago, Barangay Cambuga, Mulanay, Quezon. Bago nila isinagawa ang aktibidad ay nagtipon muna sa Malibago Elementary School upang tanggapin ang ilang mga bilin kung ano ang tamang paraan ng pagtatanim ng seedlings. Ang briefing ay pinangunahan nina Mr. Oliver O. Olivo, Community Environment and Natural […]





