Nakaranas umano ng pambubugbog ang tatlong mangingisdang Pilipino mula sa mga Malaysian Navy habang sila ay nangingisda sa Rizal Reef na bahagi ng West Philippines Sea. Kinilala ang tatlong mangingisda na sina Teody Baisa, Nelson Flamiano at Arlon Sandro na residente ng Subic Zambales at Mariveles Bataan. Humarap sila kay Subic Mayor, Jeffey Konghun at ipinakita nila ang mga tinamong sugat bunga ng pananakit sa kanila ng Malasiyan Authority. Pinagbantaan pa umano sila nito sa pamamagitan ng isang sulat na huwag na […]





