MANILA, Philippines (Eagle News) — Iniharap ng National Bureau of Investigation sa media ang dalawang suspek na nagpapakilalang may kaugnayan sa Malacañang. Nahuli sa entrapment operation sa Maynila ang mga salarin na sina Aira Enriquez at Robert Tesorero ng mga operatiba ng NBI Anti-Fraud Division. Ito’y makaraan magsumbong ang isang complainant dahil sa paniningil ng dalawa ng halagang dalawampung libong piso (Php 20,000) kapalit ng pag-aasikaso ng aplikasyon para makakuha ng pwesto bilang Regional Director […]





