By Jerold Tagbo (EAGLE NEWS) — Desidido si bagong Labor Secretary Silvestre Bello III na wakasan ang “endo” o contractualization na una nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Bello, dapat ipatupad ang batas para masugpo ang endo. Pero sa tanong kung dapat bigyan ng dagdag na ngipin ang batas laban sa “endo” (end of contract), nakasalalay na aniya sa Kongreso ang pagpapatibay ukol rito. Sa kanyang talumpati matapos ang pormal na turnover ceremony […]





