CAMARINES NORTE (Eagle News) – Nanawagan ang mga minero (“magkakabod” sa lokal ng katawagan) sa mga bayan ng Paracale, Labo, at Jose Panganiban na bigyan anila sila ng alternatibong pangkabuhayan na babalingan matapos ipasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng minahang Bayan sa lalawigan. Malaki aniya ang magiging epekto nito sa kanilang pamumuhay na maaaring magresulta sa kanilang pagkagutom. Nakatakdang magsagawa ng March Rally anumang araw ang naturang mga minero upang […]





