MABUHAY, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Ikinasa na sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay ang “No I.D., no entry” policy. Ito ay sa ilalim ng Executive Order No .19, series of 2017. Ibinaba ang kautusan mula sa tanggapan ni Mayor Restituto Calonge. Ayon sa nilagdaan ng alkalde, iniaatas na sumailalim sa checkpoint ang bawat taong dadaan sa entry points ng Brgy. Hula-Hula at Brgy. Malinao at iba pang lugar sa loob ng nasabing bayan. Kailangang iprisinta ang ID ng […]





