(Eagle News) — Ikinatuwa ng mga transport leader at commuters group ang inilabas na Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) Resolution No. 76 na nag-aatas na doblehin ang benepisyo sa ilalim ng personal passenger accident insurance program ng gobyerno. Mula sa dating 200-libong piso itinaas na sa 400-libong piso ang accidental benefits na matatanggap ng pamilya ng mga masasawing pasahero ng mga pampublikong sasakyan. Magiging 100 libong piso naman mula sa dating 20 libong piso […]





