ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Matagumpay na natapos ng 150 kalalakihan ang disiplinadong pagsasanay sa pagiging Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU). Isinagawa ang seremonya ng kanilang pagtatapos noong Sabado, November 19, sa Campsite ng Brgy. Tongonan, Ormoc City, Leyte. Ang CAFGU ay isang irregular auxiliary force ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon kay Lt. Col. Nedy Espulgar, Battalion Commander ng Alpha Company ng 52nd Infantry Battalion, itinuturing nilang isang malaking tagumpay sa panig […]





