(Eagle News) — Nagtalaga na ng bagong piskal si Justice secretary Vitaliano Aguirre na hahawak sa kaso ng dinukot na koreanong negosyante sa Angeles City, Pampanga. Ayon sa kalihim, si Prosecution Attorney Loverhette Jeffrey Villordon ang bagong piskal na hahawak sa reklamong isinampa ng pnp-anti kidnapping group kaugnay sa pagkawala ni Jee Ick Joo. Pinalitan ni Villordon si Assistant State Prosecutor Hjalmar Quintana na nag-inhibit makaraang maghain ng motion for inhibition ang kampo ng respondent […]





