BISLIG City, Surigao del Sur — Maaga pa lamang ay masigla at masayang dumating ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo dala ang kanilang gamit panlinis para makiisa sa inilunsad na progama ng pamamahala ng Iglesia ni Cristo na Linis-Paaralan dito sa Bislig City, Surigao del Sur. Isinagawa ito sa tatlong paaralan sa Mangagoy East Elementary School, Olayvar Elementary Schoool at Mangagoy Hilltop Elementary School. Nagtutulong-tulong ang mga kaanib sa paglilinis at pagkukumpuni sa mga paaralang nabanggit. Masaya ang mga tumulong […]





