Tag: Land Transportation Office (LTO)

Planong pag-iisyu ng panibagong plaka para sa mga TNVS, pinalagan

MANILA, Philippines (Eagle News) – Pumalag ang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) company sa planong pag-iisyu ng Land Transportation Office (LTO) ng panibagong plaka para sa mga Transport Network Vehicle Services (TNVS). Ang hakbang na ito ng LTO ay upang mas mabilis na matukoy ang pribadong sasakyan at TNVS na pumapasada. Ngunit ayon sa TNC at mga partner nilang TNVS, dagdag gastos lang at abala kung pakukunin pa sila ng bagong plaka. Dahil dito, inihirit ng […]

Depektibong mga sasakyan at may mga paglabag, hinuli ng mga tauhan ng LTO at i-ACT

(Eagle News) – Hinarang ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) ang mga pampasaherong sasakyan at mga private vehicles dahil sa paglabag sa road safety sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Lunes ng gabi, Enero 8. Kaugnay pa rin ito ng ‘Tanggal bulok, tanggal usok’ campaign ng ahensya. Karamihan sa mga naharang at natiketan ng LTO ay ang mga sasakyan na may sirang bahagi, kasama na din ang […]

Alvarez, isinusulong na pag-isahin na lang ang LTO at LTFRB

MANILA, Philippines (Eagle News) – Nais ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pag-isahin na lamang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO). Ito ang nilalaman ng inihain nitong House Bill No. 6776 o ang Land Transport Act of 2017, na naglalayong bumuo ng Land Transportation Authority para mabawasan ang pagkalito kung anong ahensya ang nakatalaga sa pag-maintain ng Land Transportation Laws sa bansa. Sa nasabing panukala, ang nasabing opisina […]

Jeep na sumalpok sa Partas bus sa Agoo, La Union wala umanong prangkisa

AGOO, La Union (Eagle News) – Napag-alaman ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang prangkisa ang jeep na sumalpok sa Partas bus sa Agoo, La Union na ikinasawi ng dalawampu katao. Ayon kay LTFRB-Region 1 officer-in-charge, Atty. Anabel Marzan-Nullar, ang jeep ay pag-aari ng isang Ronald Ducusin, empleyado ng San Fernando City Administrators Office sa La Union. Kabuuang tatlong jeep anya ang pag-aari ni Ducusin kung saan […]

MMDA, may libreng sakay sa mga araw ng tigil-pasada ng PISTON sa susunod na linggo

METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Magbibigay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay sa mga pasaherong inaasahang mai-istranded sa ikinakasa na namang transport strike sa susunod na linggo. Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, magde-deploy sila ng apat na bus sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno. Una nang […]